DOLE nag-isyu ng guidelines na susunduin sa mga workplace para maiwasan ang paglaganap ng 2019 nCoV

Nagpalabas ng guidelines ang Department of Labor and Employement (DOLE) na susundin ng mga empleyado at employers para maiwasan ang paglaganap ng novel coronavirus sa workplaces.

Nakasaad sa Labor Advisory No. 4 ng DOLE inaatasan ang lahat ng employers gawin ang mga sumusunod:

– magbigay ng impormasyon sa kanilang mga empleyado tungkol sa nCoV kabilang ang impormasyon kung paano ito naililipat

– linisin ang work areas gamit ang disinfectant at tiyaking mayroong tubig, sabon at sanitizer sa mga comfort room

– iwasan o bawasan ang pagkakaroon ng exposure sa mga hayop na maaring carrier ng 2019-nCoV

– tiyakin na ang mga pagkain sa canteen ay maayos na nailuluto

– ulit-ulitin sa mga empleyado ang mga dapat na gawin para mapanatiling malusog at malinis ang workplace

– bantayan ang kalusugan ng mga empleyado lalo na ang mga may lagnat at iba pang flu symptoms

Sa mga workplace na maituturing na mayroong ‘imminent danger situations’ gaya ng sa mga health-care institutions dapat magpatupad ng screenin guidelines.

Kabilang sa dapat alamin ay kung may history ba ng pagbiyahe sa China at iba pang bansang apektado ng nCoV ang empleyado.

Kung nagkaroon ba ito ng contact sa isang tong may 2019-nCoV.

Kung mayroong maysakit na empleyado, kailangang sundin ang sumusunod:

– bigyan ng face mask ang empleyado para hindi kumalat ang sakit

– agad i-isolate ang empleyado at ilagay sa well-ventilated na kwarto, malayo sa mga katrabaho

– agad i-refer ang empleyado sa healthcare provider ng kumpanya o dalhin sa pinakamalapit na ospital o clinic

– i-report ang kalagayan ng empleyado sa Department of Health sa number bilang 87111001 at 87111002

– tiyaking naipatutupad ang rekomendasyon ng DOH sa pag-transport sa mga pasyenteng hinihinalang may 2019-nCoV

– magpatupad ng respiratory precautions kapag may binabantayan o kapag lumalapit sa pasyente

– magpatupad ng decontamination sa work area gamit ang disinfectant

Kung ng maysakit na empleyado ay hindi naman hinihinalang may 2019-nCoV sundin lamang ang sumusunod:

– panatilihin sa bahay ang empleyado at iwasan nang makihalubilo sa marami

– magpahinga at uminom ng maraming tubig

– tiyakin ang pagkakaroon ng personal hygiene

– magpatingin sa duktor kung magtutuluy-tuloy ang lagnat, nahihirapang huminga o nanghihina

Read more...