Bigtime rollback sa presyo ng LPG, ipatutupad bukas

By Mariel Cruz January 31, 2016 - 07:07 AM

LPGMagpapatupad ng malakihang bawas presyo sa halaga ng liquified petroleum gas o LPG ang ilang kumpanya kasunod ng serye ng oil price reduction bukas, araw ng Lunes.

Magiging epektibo ang naturang tapyas presyo mamayang 12:01 ng hatinggabi.

Dahil dito, ito ang pinakamalaking rollback sa presyo ng LPG ngayong taon.

Aabot sa 3.30 pesos hanggang 3.40 pesos kada kilo ang magiging bawas presyo sa halaga ng LPG.

Kabilang sa nag-abiso na ng rollback ay ang Eastern Petroleum at Petron.

Inaasahan naman na mag-aanunsiyo rin ang iba pang kumpanya sa mga susunod na araw.

TAGS: LPG price rollback, LPG price rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.