Ito ang sinabi ni Robinson Descanzo, ang chief operating officer ng Independent Electricity Market Operator of the Philippines Inc, dahil aniya wala naman bagong mapapakuhanan ng suplay ng kuryente.
Paliwanag nito sa Luzon at Visayas, mangangailangan ng higit 700 megawatts dahil inaasahan na aabot sa 14,191 megawatts ang magiging demand kumpara sa 13,450 megwatts na kinailangan noong nakaraang summer.
Sabi pa ni Descanza sa Luzon pa lang ay maaring mangailangan ng karagdagang 500 megawatts sa mga buwan ng Mayo o Hunyo.
Ito aniya ay may pagtaas ng 5.6 porsiyento.
Nabanggit pa nito na ang kanilang forecast ay base sa Power Development 2016 – 2040 ng Department of Energy.