Manipis na suplay ng kuryente posibleng maranasan sa summer

By Jan Escosio January 31, 2020 - 11:23 AM

Inaasahan na titindi ang pangangailangan ng kuryente sa parating na summer kayat posible na magkaroon ng pagtaas sa halaga ng kuryente.

Ito ang sinabi ni Robinson Descanzo, ang chief operating officer ng Independent Electricity Market Operator of the Philippines Inc, dahil aniya wala naman bagong mapapakuhanan ng suplay ng kuryente.

Paliwanag nito sa Luzon at Visayas, mangangailangan ng higit 700 megawatts dahil inaasahan na aabot sa 14,191 megawatts ang magiging demand kumpara sa 13,450 megwatts na kinailangan noong nakaraang summer.

Sabi pa ni Descanza sa Luzon pa lang ay maaring mangailangan ng karagdagang 500 megawatts sa mga buwan ng Mayo o Hunyo.

Ito aniya ay may pagtaas ng 5.6 porsiyento.

Nabanggit pa nito na ang kanilang forecast ay base sa Power Development 2016 – 2040 ng Department of Energy.

TAGS: power rate hike, power supply, Summer Season, power rate hike, power supply, Summer Season

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.