Weekend two-way traffic ipatutupad sa Kennon Road

By Jan Escosio January 31, 2020 - 11:19 AM

Simula ngayon ay ipapatupad ang ‘two way traffic scheme’ sa Kennon Road dahil sa inaasahan nang pagdagsa ng mga bibisita sa Baguio City.

Ayon sa inter-agency Task Group Kennon, mula ala-6 ng umaga ng Biyernes hanggang ala-6 ng gabi ng Lunes ay ipapatupad ang ‘two way traffic’ sa pinakamatandang kalsada na patungo sa Baguio City.

Ito ay dahil magsisimula na bukas ang Panagbenga Festival, bukod pa sa gaganaping PMA Alumni Homecoming.

Inaasahan na maaring dumoble ang bilang ng mga magtutungo sa Baguio City dahil hindi pa rin lubos na nakakabangon ang Tagaytay City bunga ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ngunit paliwanag sa abiso, tuwing weekdays ang Kennon Road ay magagamit lang ng mga pribadong sasakyan na paakyat ng Baguio City at mahigpit din na ipapatupad ang speed limit na 30 kilometers per hour.

Lilimitahan din sa mga sasakyan na may bigat hanggang limang tonelada ang maaring makadaan sa naturang kalsada.

Sakali din na may masamang panahon at may banta ng landslide, agad isasara ang Kennon Road.

TAGS: 568 sa Baguio City, Kennon Road, two.way traffic, 568 sa Baguio City, Kennon Road, two.way traffic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.