‘US, walang nilabag sa Oplan Exodus sa Mamasapano’-Drilon
Naniniwala si Senate President Franklin Drilon na walang dapat ipaliwanag ang United States naging papel nito sa isinagawang counterterrorism operation sa Maguindanao na ikinasawi ng apatnapu’t apat na miyembro ng PNP-Special Action Force.
Paninindigan ni Drilon na walang nilabag ang ang US sa “Oplan Exodus” na anomang napagkasunduan nila ng Pilipinas.
Paliwanag ni Drilon, walang itinayong base militar ang America sa bansa para sa Mamasapano operation.
Sinabi pa ni Drilon na ang naging partisipasyon ng America ay bahagi ng kanilang pakikiisa sa mga bansa na lumalaban sa terorismo.
Magugunitang sa isinagawang Oplan Exodus, napatay ang Malaysian terrorist na si Zulkifli bin Hir alyas Marwan noong January 25, 2015 ngunit naging kapalit nito ang pagkasawi ng SAF 44.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.