Mahigit 8,000 nasawi sa influenza sa US; mahigit 15 milyon na ang nagkasakit

By Ricky Brozas January 31, 2020 - 09:56 AM

Maliban sa novel coronavirus na kumitil na ng limang indibidwal sa Estados at libu-libo na ang nagkakasakit sa buong mundo ay may mas malaking hamon naman ngayon sa larangan ng kalusugan sa Amerika.

Ito ay dahil umakyat na sa mahigit 8,200 ang namamatay sa Influenza o trangkaso sa U.S at mahigit 15 milyong Americans naman ang apektado sa buong bansa.

Ang 2019-2020 flu season ay itinuturing na isa sa pinakamalala sa loob ng isang dekada ayon sa National Institute of Allergy and Infectious Diseases.

Hindi bababa sa 140,000 katao ang na-ospital na may kasamang komplikasyon ng trangkaso at pinangangambahan na tumaas pa ang bilang dahil sa paglobo ng tinatamaan nito.

Ayon kay Dr. Margot Savoy, Chair ng Family and Community Medicine sa Temple University’s Lewis Katz School of Medicine, ang pagiging sanay na ng mga tao sa trangkaso ang dahilan kung bakit mas nagiging delikado ito sa kanilang kalusugan.

Iyan ay dahil binabalewala lamang aniya ito ng iba sap ag-aakalang madaling magamot ang trangkaso o ubot’ sipon lamang.

Babala ni Dr. Savoy, nakamamatay ang influenza.

Ayon naman kay Dr. Nathan Chomilo, assistant Professor of Pediatrics sa University of Minnesota Medical School, bagaman komon o pangkaraniwan na sakit ang trangkaso ay hindi naman aniya ito dapat ipagsawalang-bahala dahil kapag hindi naagapan at nauwi sa mas malalang komplikasyon ay nakamamatay.

TAGS: Health, Us influenza, Viral, Health, Us influenza, Viral

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.