Travel ban sa mga bansang may kaso ng 2019 nCoV dapat ipatupad – VP Robredo

SCREEN GRAB FROM: VP Leni Robredo/Facebook
Hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang pamahalaan na magpatupad ng travel ban sa China kasunod ng banta sa 2019-novel coronavirus.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Robredo na kailangan nang agarang aksyon para sa kapakanan ng bawat Filipino.

Bawat minuto aniyang ipinagpapaliban ang mga inirekomendang aksyon ay lalo lamang nalalagay sa panganib ang kalusugan ng mga mamamayan.

Giit pa ng bise presidente, wala nang sapat na panahon para sa mahabang usapan.

Sinabi pa nito na buhay ng tao ang nakasalalay kung kayat kinakailangan ang mabilis na aksyon, tamang impormasyon at mabilisang pagdedesisyon.

Dagdag pa ni Robredo, dapat makaasa ang publiko sa pamahalaan na walang aaksayahing oras para unahin ang kanilang kapakanan tuwing panahon ng krisis.

Read more...