PUV drivers pinagsusuot ng face masks ng LTFRB
Inatasan ng Land Transprtation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng drivers ay operators ng mga public utility vehicles na magsuot masks.
Sa memorandum circular ng LTFRB, lahat ng tsuper ng mga pampublikong sasakyan ay dapat magsuot ng masks kapag bumibiyahe.
Inatasan din sila na magkaroon ng proper sanitation.
Para naman sa mga terminal, inatasan ang lahat ng operators na magpatupad din ng maayos na sanitation at maglaan ng sanitizers na magagamit ng mga pasahero.
Ang sanitizers ay dapat libre at hindi sisingilin sa mga pasahero.
Ginawa ng LTFRB ang utos kasunod ng pagkakaroon na ng kaso ng novel coronavirus sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.