Korte Suprema nagpatupad na ng precautionary measures laban sa 2019 nCoV

Hinikayat ng Supreme Court (SC) ang mga court personnel na magsagawa ng proper hand and respiratory hygiene.

Bunsod ito ng deklarasyon ng World Health Organization (WHO) sa 2019-novel coronavirus bilang public health emergency of international concern.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Chief Justice Diosdado Peralta na dapat ding magsagawa ng safe food practices alinsunod sa rekomendasyon ng WHO sa publiko para mabawasan ang tsansa na mahawa ng virus.

Hinikayat din ang mga court personnel na magsuot ng face mask sa loob ng court rooms, halls of justice at judiciary building para sa interes ng kaligtasan ng publiko.

Isang babaeng Chinese ang unang naitalang kaso ng coronavirus sa Pilipinas.

Read more...