Makati Hotel na pugad ng sex workers ipinasara na
Agad inaprubahan ni Makati City Abby Binay ang rekomendasyon na ipasara ang Golden Dragon Star Premium Hotel sa Barangay Pio del Pilar sa lungsod.
Kaugnay ito sa pagsalakay ng mga tauhan ng Makati City Police sa hotel noong Miyerkules ng gabi.
Sa nabanggit na operasyon, 13 banyagang babae, siyam na Chinese, dalawang Russian at dalawang Vietnamese, ang nailigtas.
Inaresto naman ang dalawang Chinese nationals na kapwa nangangasiwa sa operasyon ng sex den at naniningil ng P22,000 sa bawat kustomer.
Unang inirekomenda ng Makati Business, Permit and Licensing Office kay Binay ang pagpapasara sa hotel dahil sa paglabag sa Human Trafficking Act at Revised Revenue Code City Ordinance.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.