Bushfire sa Australia pinalala ng mataas na temperatura

Pahirapan sa mga bumbero na apulahin ang nagpapatuloy na bushfires sa East Coast ng Australia dahil sa mataas na temperatura at malalakas na hangin.

Simula pa noong Setyembre ay dinaranas ng Australia ang bushfires na kumitil na ng tatlumput’tatlo katao at tinatayang isang bilyun na mga hayop at ikinasunog ng mahigit 2,500 na mga bahayan sa mahigit 11.7 million ektarya sa matataong estado ng Australia.

Pinangangambahan ng mga otoridad ang posibilidad nang paglaghanap muli nang sunog lalot umabot pa sa mahigit 40 degrees Celsius ang temperature sa New South Wales(NSW) at Victoria States, araw ng Biyernes.

Ayon kay Rob Rogers, NSW Rural Fire Service Deputy commissioner, malaki ang pangamba na lumawak pa ang sunog.

Ang Bushfires ay karaniwan nang nangyayari sa Australia tuwing tag-init o dry summers, pero ang bushfires na nangyayari ngayon sa southern hemisphere ay maituturing na unprecedented.

Itinuturo namang dahilihan ng mga eksperto ang climate change na nagresulta sa matinding tagtuyot.

Read more...