Pagtatayo ng Public Health Emergency Council muling inihain sa Kamara

By Erwin Aguilon January 31, 2020 - 08:42 AM

Kasunod ng kinatatakutang novel coronavirus o 2019-ncov Muling inihain ni Muntinlupa Rep. Rozzano Rufino Biazon ang pagtatatag ng Public Health Emergency Council.

Base sa House Bill 6081 ni Biazon, itatatag ang council kung saan mag-ko-convene ito kapag idineklara ang state of public health emergency.

Bukod sa infectious diseases ay mangunguna din ang council sa chemical, biological o nuclear attacks bunsod ng terorismo.

Ang Public Health Emergency Council ay tututok sa prevention, detection, management at containment ng mga public health emergencies.

Sa ilalim nito, bubuo din ng Public Health Emergency Plan na magsisilbing framework sa pagresponde sa health emergency ng bansa.

Nauna nang inihain ni Biazon ang panukala noonh taong 2003 kung saan kasagsagan ng SARS outbreak pero hindi ito umusad sa Kongreso.

TAGS: Breaking News in the Philippines, house bill, House of Representatives, Inquirer News, PH news, Philippine Media, philippine website, Public Health Emergency Council, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, house bill, House of Representatives, Inquirer News, PH news, Philippine Media, philippine website, Public Health Emergency Council, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.