Pamunuan ng San Lazaro Hospital tiniyak na hindi basta mahahawaan ang mga regular nilang pasyente ng coronavirus

Tiniyak ng hepe ng San Lazaro Hospital na si Dr. Edmundo Lopez kay Manila Mayor Isko Moreno na walang dapat ipangamba ang mga pasyente ng kanilang ospital maging ang mamamayan sa labas ng kanilang pagamutan.

Ito ay dahil epektibo ang “infection control, case management, and containment” ng pasyente na nag-positibo sa coronavirus.

Sinabi rin ni Dr. Lopez kay Moreno na hindi puwedeng makahawa sa ibang regular patients ng San Lazaro ang nabangit na pasyente dahil mga trained health worker mismo ng kanilang ospital ang kumuha sa pasyente mula sa Adventist Hospital.

Tiniyak din ni Dr. Lopez na protektado ng Personal Protective Equipment o PPE ang mga tumututok sa pasyente na tinamaan ng coronavirus.

Read more...