Sa inilabas na pahayag, sinabi ng alkalde na “hoax” o hindi totoo ang kumalat na statement mula sa isang Sara Z. Duterte Linkedin account.
Mahigpit aniyang nakikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan ng Davao sa Department of Health (DOH) at iba pang ahensya ng gobyerno para sa gagawing aksyon upang maiwasan ang pagkalat ng 2019-novel coronavirus.
Sinabi pa ni Duterte-Carpio na tinututukan din ang mga tao na nakikitaan ng sintomas ng virus.
Hinikayat naman ng alkalde ang publiko na itigil ang pagkakalat ng mali at hindi beripikadong impormasyon para hindi magdulot ng alarma.
Nilinaw pa ni Mayor Sara na maliban sa kaniyang personal Instagram account, wala na siyang ibang social media account.