Naitalang nasawi sa novel coronavirus umakyat na sa 212

Nakapagtala na ng 212 na nasawi sa China dahil sa novel coronavirus.

Panibagong nadagdag sa bilang ng mga nasawi ang 42 na katao sa nakalipas na 24 na oras.

Sa magdamag din ay nakapagtala ng karagdagang 1,200 na mga kumpirmadong kaso.

Dahil dito umabot na sa mahigit 9,000 ang kaso ng sakit. Karamihan dito ay sa Wuhan City China.

Una dito ay idineklara na ng World Health Organizaton (WHO) na public health emergency of international concern ang novel coronavirus.

Read more...