Ilang lansangan sa Maynila at QC maaapektuhan ng gagawing motorcade ng DSWD bukas, Feb. 1

By Dona Dominguez-Cargullo January 31, 2020 - 06:01 AM

Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development AUthority (MMDA) ang mga motorista na ilang lansangan sa Maynila at Quezon City ang maaapektuhan ng isasagawang motorcade ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) bukas, araw ng Sabado (Feb. 1)

Ayon sa MMDA, ang motorcade ay sisimulan sa Quirino Grandstand sa Maynila at magtatapos sa Quezon City Memorial Circle.

Magsisimula ang motorcade alas 4:00 ng umaga.

Dahil dito, maaapektuhan ang sumusunod na lansangan:

– P. Burgos
– Taft Avenue
– Quezon Boulevard along España Boulevard
– Welcome Rotonda
– Quezon Avenue

Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan na lamang muna ang nabanggit na mga kalsada mula alas 4:00 hanggang alas 7:00 ng umaga para hindi maabala.

TAGS: Breaking News in the Philippines, dswd, Inquirer News, mmda, Motorcade, PH news, Philippine Media, philippine website, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Traffic Advisory, Breaking News in the Philippines, dswd, Inquirer News, mmda, Motorcade, PH news, Philippine Media, philippine website, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Traffic Advisory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.