2019 NcoV idineklara nang public health emergency of international concern ng WHO

By Dona Dominguez-Cargullo January 31, 2020 - 05:24 AM

Idineklara na ng World Health Organization (WHO) ang public health emergency of international concern sa sakit na novel coronavirus o 2019 nCoV.

Ayon sa WHO, mayroon nang global outbreak ng sakit dahil maliban sa paglaganap nito sa China ay apektado na rin nito ang iba pang panig ng mundo.

Sinabi ng director general ng WHO na labis nilang ipinag-aalala ang posibleng pagkalat ng virus sa mga bansa na may mahihinang health systems at hindi handa para dito.

Tiniyak din ng WHO na gagawin nito ang lahat para tulungan ang mga bansang apektado ng sakit at upang makontrol na ang paglaganap pa nito.

Hindi naman nagrekomenda ang WHO ng paglimita sa international travel.

Sa halip ay ipinaubaya nito sa mga bansang may kaso ang pagdedesisyon sa pagpapatupad ng travel restrictions.

Mamadaliin din ang paglikha ng bakuna sa sakit.

Pinasalamatan naman ng WHO ang mga health professionals na nagsisilbing frontliners sa mga bansang may kaso na ng nCoV.

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, ncov, novel coronavirus, PH news, Philippine Media, philippine website, Public Health Emergency of International Concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, WHO, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, ncov, novel coronavirus, PH news, Philippine Media, philippine website, Public Health Emergency of International Concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, WHO

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.