2 patay sa buy-bust operation sa QC

By Angellic Jordan January 31, 2020 - 04:56 AM

Nauwi sa engkwentro ang ikinasang buy-bust operation sa Quezon City, Biyernes ng madaling-araw.

Ayon sa Batasan PNP, unang nagpaputok ng baril ang mga hindi pa pinangalanang suspek laban sa mga otoridad makaraang mapag-alamang pulis ang katransaksyon sa bahagi ng Barangay Bagong Silangan.

Gumanti naman ng putok ng baril ang pulisya na naging dahilan ng agarang pagkasawi ng mga ito.

Sinabi ng pulisya na nakuha ang impormasyon ukol sa ilegal na aktibidad ng mga suspek mula sa mga naunang anti-illegal drug operations.

Nakuha naman sa pinangyarihan ng engkwentro ang ginamit ng mga suspek na calibre 38 at calibre 45 na baril, at ilang basyo ng bala.

TAGS: Barangay Bagong Silangan, buy bust operation, quezon city, Barangay Bagong Silangan, buy bust operation, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.