Pasyenteng nagpositibo sa nCoV, bumiyahe sa Cebu at Dumaguete
Bumiyahe sa Cebu at Dumaguete ang babaeng Chinese national na nagpositibo sa 2019-novel coronavirus.
Ang 38-anyos na babaeng Chinese ang unang kaso ng coronavirus sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, mula sa Wuhan City, China bumiyahe ang dayuhan patungong Cebu mula Hong Kong sa pamamagitan ng Cebu Pacific flight.
Bumiyahe pa ang babaeng Chinese mula Cebu patungong Dumaguete sa isang biyahe ng Cebu Pacific.
Mula naman sa Dumaguete, sumakay ang dayuhan sa flight ng Philippine Airlines (PAL) patungong Maynila.
Sa press conference, tiniyak ni Health Secretary Francisco Duque III na patuloy ang isinasagawang contact tracing para malaman at mabantayan ang mga taong nakasalamuha ng dayuhan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.