Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kagawaran na balak nilang pauuwiin ang unang batch ng mga Filipino sa susunod na linggo.
Dadaan ang mga Filipino sa batas ng China pagdating sa disease containment kabilang ang immigration clearances, quarantine process at iba pa.
“The DFA intends to repatriate the first batch of Filipinos next week subject to China’s rules on disease containment, including immigration clearances, quarantine process, among others,” ayon sa DFA.
Sinabi pa ng kagawaran na gagawing prayoridad ang pagpapauwi sa mga Filipino sa Wuhan City at nalalabing parte ng Hubei province.
Sa mga Filipino na nais mapabilang sa unang batch na pauuwiin ng Pilipinas, makipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing o sa pinakamalapit na Consulate General sa Lunes, February 3.
Pagdating ng Pilipinas, sinabi ng DFA na isasailalim ang mga Filipino sa 14 araw na mandatory quarantine alinsunod sa guidelines ng Department of Health (DOH).