Nagpatawag ng biglaang pulong ang Senate Committee on Foreign Relations kasunod ng anunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa balak nitong pagtuldok sa Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.
Ayon kay Senator Aquilino Pimentel, dalawang senador ang maghahain ng magkahiwalay na resolusyon at hihilingin ang pagkakaroon ng pagdinig para masuri ang kasunduan.
Maliban dito, susuriin din aniya ang iba pang kasunduan tulad ng Mutual Defense Treaty (MDT) at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Narito ang ulat ni Jan Escosio:
MOST READ
LATEST STORIES