#WalangPasok sa Biyernes (Jan. 31)

Nananatiling suspendido ang klase sa ilang paaralan sa Lungsod ng Maynila.

Ito ay kasunod ng ginagawang pag-iingat para maiwasan ang posibleng pagkalat ng 2019-novel coronavirus (nCoV).

Narito ang mga sinuspindeng klase sa Biyernes, January 31:
– Philippine Cultural College
– Uno High School
– Hope Christian High School
– Chiang Kai Shek College
– St. Jude Catholic School
– Tiong Se Academy
– St. Stephen’s High School

Batay sa anunsiyo ng St. Jude Catholic School at Chiang Kai Shek College, magbabalik ang kanilang klase sa February 8.

Samantala, magbabalik naman ang klase at extracurricular activities ng Hope Christian High School at St. Stephen’s High School sa February 10.

Huwebes ng hapon, January 30, kinumpirma ng Department of Health (DOH) na isang babaeng Chinese ang nagpositibo sa nCoV batay sa laboratory test sa Australia.

Read more...