Sinira ang P4.2 milyong halaga ng marijuana sa Balamban, Cebu Miyerkules ng hapon.
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas (PDEA RO7), isinagawa ang simultaneous marijuana eradication sa bahagi ng Sitio Quo sa Barangay Gaas bandang 5:00 ng hapon.
Nakuha ng mga otoridad ang mahigit 8,000 fully grown marijuana plants sa unang site, 2,000 sa ikalawang site habang 500 naman sa ikatlong site.
Nakatakas naman ang target sa operasyon na kinilalang si Junie Alicaba at ilang kasabwat.
Kasong paglabag sa Section 16, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.