Pamahalaang lokal ng Maynila, mamimigay ng face masks sa mga estudyante
Mamimigay ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng face masks sa mga estudyante sa lungsod.
Kasunod ito ng kumpirmasyon ng Department of Health (DOH) sa unang kaso ng 2019-novel coronavirus sa bansa.
Ayon sa Manila Public Information Office (PIO), ipamimigay ang mga face mask sa mahigit-kumulang 300,000 estudyante ng mga pampublikong paaralan sa Maynila.
Sisimulan anila ang distribusyon ni Manila Mayor Isko Moreno sa Biyernes, January 31.
Makikita naman sa ibinahaging video ng Manila PIO na umasiste ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) enforcers sa pag-repack ng mga ipamimigay na face mask.
Samantala, sa pamamagitan ng tawag sa telepono, tiniyak naman ni Health Secretary Francisco Duque III kay Mayor Moreno na walang dapat ikaalarma ukol sa nasabing virus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.