Bilang ng kaso ng coronavirus sa Malaysia, umabot na sa walo

By Angellic Jordan January 30, 2020 - 08:42 PM

Nadagdagan pa ang bilang ng naitalang kaso ng 2019-novel coronavirus (nCoV) sa Malaysia.

Ayon kay Noor Hisham Abdullah, director-general ng Health Ministry sa Malaysia, isang 48-anyos na Chinese national ang nagpositibo sa nasabing virus.

Ang panibagong kaso ng sakit ay nakasalamuha aniya ng ika-pitong pasyente na kumpirmadong may coronavirus.

Naka-admit ang pasyente sa isolation ward sa Hospital Permai Johor Baru.

Samantala, sinabi naman ni Home Minister Muhyiddin Yassin na hinarang ang nasa 14 katao na dumating sa Kuala Lumpur International Airport matapos mapag-alamang nanggaling sa Wuhan City, China.

TAGS: 2019 novel coronavirus, coronavirus cases in Malaysia, ncov, 2019 novel coronavirus, coronavirus cases in Malaysia, ncov

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.