14-araw na mandatory quarantine sa mga darating na turista, ipinag-utos sa Cebu
Ipinag-utos ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na isailalim sa 14 araw na mandatory quarantine ang lahat ng pasaherong darating sa Mactan Cebu International Airport (MCIA) na magmumula sa China.
Ito ay matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng 2019-novel coronavirus sa Pilipinas.
Sakop nito ang mga pasahero na may connecting flights o direct flights mula China, Hong Kong at Macau.
Ayon kay Garcia, tatlong health facilities ang inihanda kung saan gagawin ang quarantine period.
Kaya aniyang ma-accommodate nito ang nasa 250 katao.
Ayon sa DOH, isang 38-anyos na babaeng Chinese ang nagpositibo sa nasabing virus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.