DOH, nagpaalala sa publiko kung paano makakaiwas sa nCoV
Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko ukol sa paano maaaring maiwasan ang 2019-novel coronavirus (nCoV).
Ito ay matapos kumpirmahin ng kagawaran ang unang kaso ng nCoV sa bansa.
Sa isang press conference, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ugaliing maghugas ng kamay at kumain ng masusustansyang pagkain.
Kung hindi makakapaghugas ng kamay, maglagay ng alcohol o hand sanitizer.
Takpan ang ilong at bibig tuwing uubo at babahing. Para sa naman sa mga wala nito, umiwas sa mga taong mayroon nito.
Importante rin aniyang uminom ng maraming tubig at tiyaking luto ang mga kakaining pagkain.
Dagdag pa nito, lumayo sa mga matataong lugar. Ngunit kung hindi maiiwasan, manatiling nakalayo nang mahigit-kumulang isang metro sa isang tao sa harap man o likod.
Sakaling makaramdam ng sintomas, agad komunsulta sa pinakamalapit na health facility.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.