Gobyerno, “on top of the situation” ukol sa kaso ng nCoV sa Pilipinas – Palasyo

By Angellic Jordan January 30, 2020 - 06:47 PM

Hinikayat ng Palasyo ng Malakanyang ang publiko na huwag mag-panic at manatiling kalmado kasunod ng unang naitalang kaso ng 2019-novel coronavirus (nCoV) sa bansa.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Presidential Communications secretary Martin Andanar na “on top of the situation” ang gobyerno sa sitwasyon lalo na ang Department of Health (DOH).

Tiniyak nito na nagtutulungan ang mga health, research, at law enforcement agencies para maiwasan ang pagkalat ng nasabing sakit.

Maliban dito, tuluy-tuloy din aniya ang koordinasyon at kolaborasyon ng DOH sa health at research authorities sa Australia, Japan, at China kung paano ang gagawing aksyon sa virus.

Sinabi pa ni Andanar na paiigtingin ang containment measures at mga kailangang precautionary measures para labanan ang sakit.

Kasabay naman ng pagdating ng mga pasahero mula sa mga apektadong lugar sa China, siniguro ni Andanar na patuloy ang isasagawang stringent customs, immigration, and quarantine measures para hindi kumalat ang virus sa bansa.

Makikipag-ugnayan din aniya ang pamahalaan sa mga otoridad sa China para sa posibleng pag-repatriate ng overseas Filipino workers (OFW) kung kinakailangan.

Bubuo rin aniya ng coronavirus hotline para umasiste sa mga OFW at iba pang Filipino na nakatira sa China para sa virus prevention at counter measures.

Inabisuhan din ni Andanar ang publiko na magsagawa ng proper hygiene upang makaiwas sa virus.

Dagdag pa nito, manatiling alerto at makipag-ugnayan sa barangay health centers sakaling makaramdam ng mga sintomas ng nCoV.

Manatili rin aniyang nakatutok sa mga ilalabas na abiso ng DOH at iba pang ahensya ng gobyerno ukol sa sakit.

TAGS: 2019 novel coronavirus, doh, first coronavirus case in the Philippines, ncov, Sec Martin Andanar, 2019 novel coronavirus, doh, first coronavirus case in the Philippines, ncov, Sec Martin Andanar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.