‘China travel ban,’ dapat nang ipatupad – Sen. Hontiveros

By Jan Escosio January 30, 2020 - 06:18 PM

Sa pagkumpirma ng Department of Health (DOH) na may kaso na ng 2019 novel coronavirus sa bansa, iginiit ni Senator Risa Hontiveros ang agarang pagpapatupad ng ‘travel ban’ sa lahat ng mga pumasok sa bansa mula sa China sa nakalipas na dalawang buwan.

Pagdidiin ni Hontiveros ang kanyang inihihirit ay pansamantala at hanggang 30 araw lang.

Kasabay nito, hinihimok niya ang Bureau of Quarantine (BOQ) na magpatupad ng mandatory quarantine sa lahat ng mga nagmula sa China at pag-aralan ang ipinatutupad na safety measures ng ibang bansa kung saan may kumpirmadong kaso ng nCoV.

Aniya, habang epektibo ang traval ban, dapat ay magpatupad na ng lahat ng klase ng safeguards ang DOH sakaling madagdagan pa ang kumpirmadong may taglay ng virus sa bansa.

Hiling din niya na maging ang mga opisyal ng barangay ay maging mapagmatyag sa kanilang nasasakupan para hindi na kumalat ang sakit.

TAGS: 2019 novel coronavirus, China travel ban, coronavirus, first coronavirus case in the Philippines, ncov, Sen. Risa Hontiveros, 2019 novel coronavirus, China travel ban, coronavirus, first coronavirus case in the Philippines, ncov, Sen. Risa Hontiveros

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.