33 patay sa paglubog ng bangka sa karagatan ng Turkey

TURKEYPatay ang 33 katao kabilang na ang limang bata makaraang malunod sa Aegean Sea nang lumubog ang sinasakyang nilang bangka sa Turkish coast.

Ayon sa ulat ng Anadolu Agency, 75 katao ang nasagip ng coast guard mula sa karagatan malapit sa Ayvacik en ruta papunta sa Greek island na sakop ng Lesbos.

Tinukoy ng local news agency ang mga nakaligtas ay taga-afghanistan, Syria at Myanmar.

Batay sa talaan ng International Organization for Migration, umabot na sa 218 katao ang namatay ngayong taon na sumubok na maglayag sa karagatan mula sa Turkey papuntang Greece. Sa ngayon umaabot sa 2.5 milyon refugees ang pansamantalang kinakalinga ng Turkey na galing ng Syria.

Read more...