Personal na biyahe ng Gabinete sa US, pinagbawalan na rin ng Palasyo
Pinagbabawalan na rin ng Palasyo ng Malakanyang ang mga personal na biyahe ng mga miyembro ng Gabienete patungong Estados Unidos.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, mas makabubuting sumunod na muna ang lahat sa utos ng pangulo na i-boycott ang Amerika bilang bahagi ng pagpoprotesta dahil sa pakikialaam sa panloob na usapin sa bansa.
Ayon kay Panelo, sakop na rin ng kautusan ng pangulo ang undersecretaries at assistant secretaries.
Inilabas ng pangulo ang naturang utos matapos makansela ang US visa ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa at pagbabawal sa mga opisyal ng pamahalaan ng Pilipinas na nasa likod ng pagpapakulong kay Senador Leila de Lima na makapasok sa Amerika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.