10 truck na puno ng gulay para sa Balintawak Market, hinarang

By Jong Manlapaz January 30, 2016 - 08:54 PM

12625767_203340586687042_82971883_nNagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga vendor at ng Quezon City, Department of Public Order and Safety o DPOS at ng QC Police District makaraang harangin ang mahigit 10 truck at jeep na puno ng iba’t ibang gulay kaninang umaga.

Pero sa kabila nito nakuha rin sa pakiusapan at pinagbigyan din ng DPOS na maibagsak ng mga negosyante ang mga produktong gulay sa tatlong palengke na ipinasara ng QC local Govt. sa Balintawak Market.

Sinabi ng mga tauhan ng DPOS sa mga maninindi na pagbibigyan na lamang sila ngayon araw na mapasok ang mga produkto.

Sa ngayon nagdagdag pa ng mga tauhan ang QCPD sa lugar, kasunod na rin ng pagpalag at pag-protesta ng mga vendors makaraang ipatupad ang closure order kahapon.

Ayon sa mga vendors, nasa isanglibo silang manininda mula sa tatlong pinasarang palengke ang naapektuhan ng pagsasara ng palengke.

TAGS: Balintawak Market, DPOS, PNP, Balintawak Market, DPOS, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.