Katuwiran ni Go gagawin ang hakbang ay para hindi makapasok sa Pilipinas ang nakakahawang sakit.
Una nang nagpatupad ng ban ang Civil Aeronautics Board (CAB) sa mga flights mula sa Wuhan bagamat patuloy naman ang pagdating sa bansa ng mga eroplano mula sa ibang bahagi ng China.
Nagpatupad na rin ang gobyernp ng China ng travel restrictions sa Hubei province, samantala naka-lockdown ang buong lungsod ng Wuhan.
Ayon kay Go pabor siya sa posisyon ng DOH na magpatupad ng travel restrictions sa mga Chinese nationals na pumapasok ng Pilipinas.
Una na rin inanunsiyo nito na handa na ang gobyerno na tulungan sa pag-uwi ang mga Filipino na nasa Wuhan at nais nang makabalik ng Pilipinas at aniya kailangan lang hintayin ang ‘go signal’ ng China.