BREAKING: DOH, kinumpirma ang unang kaso ng 2019-novel coronavirus sa Pilipinas

By Angellic Jordan January 30, 2020 - 04:18 PM

Photo grab from DOH’s Facebook live video

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang unang kaso ng 2019-novel coronavirus sa Pilipinas.

Sa isang press briefing, araw ng Huwebes, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na nagpositibo sa nasabing virus ang 38 taong gulang na babaeng Chinese mula sa Wuhan City, China.

Lumabas aniya sa laboratory test ng Australia na positibo sa coronavirus ang pasyente.

Dumating aniya sa Pilipinas ang pasyente mula Wuhan, China na dumaan sa Hong Kong noong January 21.

Nagpakonsulta ang pasyente sa isang government hospital makaraang makaranas ng pag-uubo.

Sinabi ng DOH na na-admit ang babaeng Chinese sa hindi binanggit na ospital noong January 25.

Patuloy naman anila silang nakikipag-ugnayan sa ospital kung saan naka-admit ang pasyente.

Sa ngayon, asymptomatic anila ang pasyente o walang sintomas sa nasabing sakit.

Sinabi ni Duque na na-detect ang virus sa pamamagitan ng mahigpit na surveillance system at pakikipag-ugnayan sa World Health Organization at iba pang ahensya ng gobyerno.

Samantala, sinabi pa ng DOH na nasa 29 ang ‘persons under investigation’ na posibleng apektado ng sakit. Lima ang na-discharge na ngunit mahigpit pa ring tinututukan.

Sa nasabing bilang, 18 rito ay mula sa Metro Manila, apat sa Central Visayas, tatlo sa Western Visayas habang tig-isa naman sa MIMAROPA, Eastern Visayas, Northern Mindanao at Davao.

Tiniyak ni Duque sa publiko na ginagawa na ng kagawaran ang lahat ng kailangang aksyon para ma-contain ang virus sa bansa.

Hinikayat din nito ang publiko na manatiling kalmado at maging maingat sa lahat ng oras.

TAGS: 2019 novel coronavirus, 2019-novel coronavirus in Philippines, asymptomatic, Babaeng Chinese, China, doh, first coronavirus case in the Philippines, Wuhan, 2019 novel coronavirus, 2019-novel coronavirus in Philippines, asymptomatic, Babaeng Chinese, China, doh, first coronavirus case in the Philippines, Wuhan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.