Makati hotel, ni-raid; 13 foreign ‘sex workers,’ nailigtas

By Jan Escosio January 30, 2020 - 03:48 PM

Sinalakay ng mga tauhan ng Makati City Police ang isang hotel sa Makati City at nakumpirma na ‘sex den’ ito ng mga babaeng banyaga.

Base sa ulat, pasado 10:00, Miyerkules ng gabi nang salakayin ang Golden Dragon sa Barangay Pio del Pilar at hinuli sina Kevin Sy, 25-anyos; at Xiao Lao, 23-anyos, kapwa maintainer ng lugar at ang Chinese national din na si Tong Po, 25-anyos.

Limang Filipino na nagtatrabaho sa establismento ang inaresto rin sa operasyon.

Nailigtas naman sa establismento ang siyam na babaeng Chinese, dalawang Russian at dalawang Vietnamese.

Nabatid na gumamit ng Chinese national na asset sng pulisya para mapasok ang lugar at nagbayad ito ng P22,000 para makipag-sex sa isang foreign worker.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong human trafficking laban sa mga naaresto.

TAGS: Barangay Pio Del Pilar, Golden Dragon, Makati City Police, Sex den, Barangay Pio Del Pilar, Golden Dragon, Makati City Police, Sex den

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.