Sen. Recto: National interest dapat at hindi personal interest sa pagtalikod sa VFA

By Jan Escosio January 30, 2020 - 03:47 PM

Iginiit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na dapat ang pambansang interes at hindi personal na interes ang maging dahilan nang pagtalikod ng Pilipinas sa Visiting Forces Agreement (VFA).

Sinabi ni Recto na ang dahilan ay higit pa dapat sa pagkansela lang ng Amerika sa visa ni Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Tanong pa ng senador, paano kung biglang ibalik ng US ang visa ni dela Rosa at maaring maging huli na ang lahat.

Diin ni Recto, ang dapat na dahilan ng Pilipinas sa pagtalikod sa kasunduan ay dahil nakasama na ito sa pambansang interes, nadedehado na at delikado na ito para sa bansa.

Sinabi naman nito na maganda na rin ang intensyon ng Senate Committee on Foreign Relations na magsagawa ng pagdinig ukol sa mga kasunduang militar ng Pilipinas at US para matimbang ang lahat ng interes.

Ngunit, ayon din kay Recto, mali ang ginawa ng US kay dela Rosa dahil aniya noon ay kaalyado nila ang bagitong senador noong ito pa ang hepe ng pambansang pulisya.

Kinansela ng US ang visa ni dela Rosa sa katuwiran na may kinalaman ito sa pagkakakulong ni Sen. Leila de Lima.

TAGS: Sen. Ralph Recto, VFA, VFA cancellation, vfa termination, Sen. Ralph Recto, VFA, VFA cancellation, vfa termination

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.