Voter registration sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal, muling bubuksan sa Lunes (Feb. 3)

By Angellic Jordan January 30, 2020 - 03:47 PM

Muling bubuksan ang voter registration sa mga lugar na apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal sa araw ng Lunes, February 3.

Ayon kay James Jimenez, tagapagsalita ng Commission on Elections (Comelec), maaari na muling makapagparehistro ang mga botante sa probinsya ng Batangas at Cavite bunsod ng panunumbalik ng normal na working conditions.

Magbabalik ang voter registration sa Batangas partikular sa Alitagtag, Balete, Balayan, Calaca, Calatagan, Cuenca, Laurel, Lemery, San Nicolas, Sta. Teresita, Taal, Talisay, Lipa City, Tanauan City, Tuy, San Luis, Mabini, Lian, at Malvar.

Samantala, sa February 10 naman itinakda ang panunumbalik ng voter registration Mataas na Kahoy sa nasabing probinsya.

Maaari na ring makapagparehistro ang mga botante sa Amadeo, Alfonso, Indang, Silang at Tagaytay City sa Cavite.

TAGS: Batangas, cavite, comelec, pagsabog ng Bulkang Taal, Taal Volcano, voter registration, Batangas, cavite, comelec, pagsabog ng Bulkang Taal, Taal Volcano, voter registration

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.