DFA handang mag-repatriate ng mga Filipino sa Wuhan City, Hubei
Handa ang Department of Foreign Affairs (DFA) na mag-repatriate ng mga Filipino sa Wuhan City at Hubei, China na nais umuwi ng Pilipinas.
Ayon sa kagawaran, naghahanap na sila ng special flights mula Hubei Province patungong Pilipinas.
“The DFA is making available special flights from Hubei Province to the Philippines. Hence, Filipinos in the area who wish to be repatriated should contact the Philippine Consulate General in Shanghai,” ayon sa DFA.
Sa mga Filipino na nais umuwi ng bansa, kailangan anilang makipag-ugnayan sa Philippine Consulate General sa Shanghai sa numerong (+86-21) 6281-8020 o email na [email protected] o [email protected].
Dadaan aniya ang mga Filipino sa batas ng China sa Disease Containment kabilang ang immigration clearance, quarantine process at iba pa.
Pagdating naman ng Pilipinas, sasalang ang mga uuwing Filipino sa 14 araw na mandatory quarantine alinsunod sa guidelines ng Department of Health (DOH).
Para naman sa mga Filipino na nais manatili sa China, sinabi ng DFA na antabayanan ang mga abiso ng health authorities at makipag-ugnayan sa mga isinasagawang hakbang laban sa 2019-novel Coronavirus.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.