Sen. Lacson nangangamba sa bawi sa ‘US travel ban’ ni Pangulong Duterte
Umaasa si Senator Panfilo “Ping” Lacson na may ilang miyembro ng Gabinete ang magkakaroon ng lakas ng loob para kausapin si Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa pagbabawal nito sa kanyang mga opisyal na bumiyahe sa Estados Unidos.
Nangangamba si Lacson na maapektuhan ang ekonomiya at seguridad ng bansa maging ang mga Filipino na nagtatrabaho sa Amerika kung gagantihan ng US ang panibagong tirada ni Pangulong Duterte.
Nabanggit ng senador na ang Pilipinas ay nagbebenta ng halos $10 bilyong halaga ng mga produkto kada taon sa Amerika at 52 porsyento ng military aid and assistance ng Estados Unidos sa Asia Pacific Region ay natatanggap ng Pilipinas.
Kayat umaasa si Lacson na babawiin ng Punong Ehekutibo ang pagbabawal sa sinumang miyembro ng kanyang Gabinete na magtungo sa Amerika.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.