2 estudyante sa Navotas timbog sa P2.7M shabu
Iniimbestigahan na ngayon ang dalawang menor de edad na nakumpiskhan ng tinatayang P2.7 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay Tangos, Navotas City.
Sa ulat, ang dalawang estudyante, isang lalaki at isang babae, ay may edad 16 at 14.
Nakuha sa kanila ang 404 gramo ng shabu na nakalagay sa plastic na pinaglalagyan ng yelo.
Nagsasagawa ng operasyon ang mga operatiba laban sa mga suspected drug personalities sa lugar nang matiyempuhan ang dalawang menor de edad.
Samantala, sa Caloocan City, nakumpiska naman ang P4.6 milyon halaga ng shabu.
Ang droga ay nakuha mula sa 23-anyos na si Omair Sultan, residente ng Barangay 188 Tala, sa lungsod.
Ikinasa ang drug-bust operation alas-9 ng umaga ng Miyerkules.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.