Bucor Officials binalaan ni Justice Sec. Guevarra

By Ricky Brozas January 30, 2020 - 11:41 AM

Nagbabala ang Department of Justice sa mga opisyal at tauhan ng Bureau of Corrections na magpakatino at ayusin ang kanilang trabaho.

Kasunod ito desisyon ng Office of the Ombudsman laban sa tatlong umano’y tiwaling opisyal ng Bucor na sangkot sa bribery o pagtanggap ng suhol mula sa kaanak ng ilang mga Person With Disability sa Bilibid.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, nagbigay na siya ng instructions sa pamunuan ng Bucor para sa agarang pagpapatupad nan hatol ng Office of the Ombudsman na makasuhan ang tatlong opisyal na itinuturong tumanggap ng suhol kapalit ng umano’y paglaya ng ilang person deprived of liberty o PDL.

Una nang ipinag-utos ng Ombudsman na makasuhan sina Ramoncito Roque-Officer-In-Charge ng Documents and Processing ng Bucor, Senior Insp. Maria Belinda Bansil at Corrections Officer Veronica Buño sa Muntinlupa Regional Trial Court.

Ang naturang mga opisyal ng BUCOR ay pinakakasuhan ng direct bribery at graft dahil sa sinasabing pagtanggap ng mga ito ng P50,000 suhol mula kay Yolanda Camilon kapalit ng kalayaan ng kanyang partner gamit ang Good Conduct Time Allowance law.

TAGS: Bilibid, bucor, Corrections Officer Veronica Buño, GCTA Law, Justice Sec. Menardo Guevarra, Muntinlupa Regional Trial Court, Office of the Ombudsman, Senior Insp. Maria Belinda Bansil, Bilibid, bucor, Corrections Officer Veronica Buño, GCTA Law, Justice Sec. Menardo Guevarra, Muntinlupa Regional Trial Court, Office of the Ombudsman, Senior Insp. Maria Belinda Bansil

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.