4 patay sa magkakahiwalay na insidente ng pamamaril at pananaksak sa QC sa magdamag

By Jong Manlapaz January 30, 2020 - 11:42 AM

Patay ang dalawang tricycle driver at mag-asawang senior citizen sa tatlong kaso ng magkakahiwalay na krimen sa lungsod ng Quezon sa nakalipas na magdamag.

Naitala ang unang kaso ng pamamaril sa isang tricycle driver sa Payatas Rd. Brgy. Payatas sa QC bago mag-alas onse ng gabi kagabi habang namamasada.

Sa report ng QCPD station 6, agad na namatay si Jay Peregrino, 23 taong gulang matapos paputukan ng apat na beses ng hindi pa nakikilalang suspek.

Ligtas naman ang sakay nitong babae.

Pagnanakaw naman nag motibo sa pamamaslang at pananaksak ang mag-asawang senior citizen na nangyari sa Maya St. Brgy. Commonwealth.

Dead on the spot ang isa pang tricycle driver matapos pagbabarilin din sa kahabaan ng Susano Rd. sa Novaliches.

TAGS: insidente ng pamamaril, insidente ng pananaksak, QC, QCPD station 6, insidente ng pamamaril, insidente ng pananaksak, QC, QCPD station 6

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.