Si Cebu Archbishop Ricardo Cardinal Vidal ang nanguna sa misa.
Ang ibang bata ay galing sa mga Diocese ng Pasig, Novaliches, Calbayog sa Samar, Iligan sa Isabela, Dumaguete, Talibon, Tagbilaran, Malaybalay sa Bukidnon at Pagadian.
Nakasuot ng kulay puting polo shirts, black pants, black leather shoes ang mga lalaking batang communicants habang nakasuot naman ng kulay puting dress at veils ang mga batang babae.
Paliwanag ni Fr. Carmelo Diola, International Eucharistic Congress committee chair on solidarity and communion at executive director ng Dilaab Foundation na nakabase sa Cebu, nais nilang bigyang diin na ang kahirapan ay hindi hadlang para hindi sila mabigyan ng dignified participation sa pagtanggap ng eukaristiya.
Bago ang first communion, binigyan na ng walong sesyon ng Katekismo ang mga bata.