2 recruiters ni Mary Jane Veloso hinatulang guilty sa korte sa Nueva Ecija

By Ricky Brozas January 30, 2020 - 10:44 AM

File Photo

Hinatulang guilty Korte sa Nueva Ecija ang dalawang recruiters ni Mary Jane Veloso.

Kapwa nahaharap ngayon sa parusang pagkakakulong ang mga akusado na sina Mary Christine Guilles Pasadilla at Julius Lacanilao dahil sa paglabag sa Republic Act 8042 o Migrant Workers Act.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo nina Lorna Valino, Ana Maria Gonzales at Jenalyn Paraiso.

Ang kaso ay hiwalay pa sa asunto na isinampa ni Veloso laban sa mga akusado na nakabinbin pa rin sa Nueva Ecija Regional Trial Court.

Dumalo sa promulgasyon ang mga abogado ng NUPL na siyang kumatawan kay Veloso.

Ginanap ang promulgasyon noong ika-14 ng Enero sa sala ni Judge Anarica J. Castillo – Reyes

Si Mary Jane ay kasalukuyan pa ring nakapiit sa Yogyakarta, Indonesia dahil sa umanoy drug trafficking.

TAGS: 2 recruiter guilty, korte sa Nueva Ecija, mary jane veloso, Republic Act 8042 o Migrant Workers Act, 2 recruiter guilty, korte sa Nueva Ecija, mary jane veloso, Republic Act 8042 o Migrant Workers Act

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.