Arestado ang dalawa sa church leaders matapos silang imbestigahan dahil sa human trafficking.
Ayon sa mga otoridad sa amerika, modus umano ng mga ito na kumbinsihin ang kanilang mga kapanalig na kumalap ng pondo at mag-asikaso ng bogus na kasal para manatili sila sa estados unidos.
Kabilang sa nadakip ang local leader ng Jesus Christ Church dahil sa kasong may kinalaman sa immigration fraud.
Ayon sa U.S Attorney’s Office, kasama din sa nadakip ang isa sa mga manggagawa ng simbahan kung saan nakumpiska sa kanilang pag-iingat ang mga pasaporte ng mga biktima.
Kita sa litrato na kuha ng Associated Press ang giniba na pintuan ng Kingdom of Jesus Christ Church sa Van Nuys section ng Los Angeles.