Super Bowl Championship sa Miami bantay-sarado dahil sa banta ng n-CoV
Pinalawig pa ang coronavirus screening sa 20 mga airports kabilang na sa Miami na siyang magho-host ng Super Bowl.
Ito ang sinabi ni Chad Wolf, acting Homeland Security Secretary.
Sa news conference sa Miami, ay sinabi ni Wolf na puponduhan ng ibat-ibang ahensiya sa pangunguna ng Homeland Security ang ipatutupad na medical strategy para sugpuin ang paglaganap ng n-CoV.
Babantayan din aniya nila ang inaasahang pagdagsa ng libu-libong mga fans na manunuod ng Super bowl Championship sa linggo sa pagitan ng Kansas City Chiefs at San Francisco 49ers.
Pinaalala din niya tamang protective measures katulad ng pagsusuot ng gloves, masks at iba pang panggalang laban sa n-CoV.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.