Pagbasura ng Pangulong Duterte sa VFA, napapanahon na

By Ricky Brozas January 30, 2020 - 08:28 AM

Photo grab from PCOO’s Facebook live video

Suportado ng isang kilalang propesor mula sa University of the Philippines ang desisyon o planong hakbang ng Pangulong Rodrigo Duterte na ipawalang-bisa na ang Visiting Forces Agreement o VFA.

Ngunit ayon kay Professor Roland Simbulan, ng UP Development Studies and Public Management, dapat ang desisyon ng Pangulo ay hindi nakabatay sa personal na kunsiderasyon gaya ng pagkakansela ng US visa ni Senator Ronald Bato Dela Rosa.

Ayon kay Simbulan dapat pag-aralang mabuti ng Pangulo kung naging patas ang VFA sa mga Filipino.

Ayon kay Simbulan, ang US lamang ang nakikinabang sa VFA lalo na at hindi naman iginagalang ng mga sundalong Kano ang mga batas ng Pilipinas.

Sabi pa ni Simbulan, hindi lamang VFA ang dapat na alisin kundi maging ang Enhanced Defense Cooperation Agreement o Edca at ang Mutual Defense Treaty na naging dahilan ng instalasyon ng militar ng US sa mga kampo ng Armed Forces of the Philippines.

Paalala pa ni Simbulan, dapat ang Pilipinas ay “friend of all and enemy of one” o kaibigan ng lahat.

TAGS: armed forces of the philippines, ng UP Development Studies and Public Management, Professor Roland Simbulan, Rodrigo Duterte, US visa ni Senator Ronald Bato Dela Rosa, VFA, armed forces of the philippines, ng UP Development Studies and Public Management, Professor Roland Simbulan, Rodrigo Duterte, US visa ni Senator Ronald Bato Dela Rosa, VFA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.