Bilang ng nasawi sa China sanhi ng n-CoV umabot na sa 170

By Ricky Brozas January 30, 2020 - 08:05 AM

Umakyat na sa 170 ang bilang ng mga nasawi sanhi ng novel coronavirus (2019-nCoV) sa Mainland China.

Mahigit 7,000 naman ang kumpirmadong apektado ng sakit sa nabanggit na bansa.

Sa naturang bilang ay 162 ang mga namatay sa Hubei Province na episentro ng n-CoV.

Iyan ang kinumpirma ng Hubei’s provincial health authority.

Ang case count ng coronavirus ay umakyat ng 1,032 at tumaas naman ng 37 ang death toll kumpara sa bilang nito noong nakaraang mga araw.

TAGS: 2019 ncov, coronavirus, Hubei’s provincial health authority, 2019 ncov, coronavirus, Hubei’s provincial health authority

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.