Metro Manila pumangalawa sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamatinding lagay ng traffic

Pumapangalawa ang Metro Manila sa may pinakamalang lagay ng trapiko sa buong mundo.

Iyan ayon sa pag-aaral ng Netherlands-based global data provider.

Ayon sa TomTom’s 2019 Traffic Index, sumunod ang Metro Manila sa Indian City of Bengalaru na nanguna sa mga bansang mantindi ang sitwasyon ng trapiko.

Pumangatlo naman sa listahan ang Bagota, Colombia at pang-apat ang Mumbai City at pang -lima ang Pune City na pawang nasa India.

Ayon sa ulat, gumugugol nang average na 71 porsiyento na extra travel time ang bawat motorista sa Metro Manila.

Ayon sa report, noong 2019, ang bawat motorista o commuter ay naglaan ng 257 hours sa traffic habang bumibiyahe sa peak hours.

Sa naturang haba ng oras ay maari na anilang nakapagtanim ng 258 na mga puno ang mga motorista Ayon pa sa traffic index.

Inirekumenda rin nila ang pag-iwas sa pagbiyahe tuwing alas 6:00 ng gabi tuwing biyernes kung saan kadalasan umano nangyayayari ang matinding buhol-buhol na trapiko.

Sabi pa ng Tomtom na noong Abril ng 2019 kung saan ginunita sa bansa ang Good Friday ay naitala ang magandang daloy ng mga sasakyan, habang noon namang Agosto ng 2019 naitala ang pinakamatinding traffic na umabot sa 107 percent congestion.

Read more...